February 29, 2024

2 natusta, 2 sugatan sa sunog sa QC

Ni Emmanuel Santiago

NASAWI ang isang babaeng 18 -anyos at isang lalaking 40-anyos makaraang sumiklab ang apoy kaninang alas 2 ng madaling araw sa ikalawang palapag ng  kanilang tirahan sa Omega at Lilac Street, Barangay Fairview ng lungsod Quezon.

Dalawa naman ang sugatang sina William, 47 at Wessiam  Uy 48 anyos matapos ideklarang fire-out  Bureau of Fire (BFP) ang sunog  makalipas ang 50 minuto.

Nagsasagawa naman ngayon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Quezon City sa mga labi ng dalawang nasunog na kaanak ng mga biktima .