
NATIMBOG ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa pananaksan sa isang lalaki at isang babae sa Bgy. Cutcut, Angeles City, Pampanga.
Ayon sa ulat kay Angeles City police acting director Col. Joselito Villarosa Jr., agad na ipinagbigay alam ng barangay ang insidente ng pananaksak kung saan agad na naaresto ang 34-anyos na suspek.
Agad na rumesponde naman ang mga barangay opisyal sa lugar at nakitang wala nang buhay ang mga nakahandusay na biktima na naliligo sa sariling dugo sa Liwayway St.
Sinabi ng mga saksi sa pulisya na bago ang pananaksak ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga biktima at ang suspek.
Sinalakay ng suspek ng kitchen knife na agad namang ikinamatay ng mga biktima .
Sasampahan ng 2 counts na kasong homicide ang inihahanda para sa pagsasampa sa korte laban sa suspek.