June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 piloto patay nang bumagsak ang training chopper ng Philippine Navy sa Cavite

Ni Alex dela Cruz

NASAWI ang 2 piloto ng Philippine Navy  matapos bumagsak kaninang  helicopter bandang  alas 6-:30 ng umaga sa Draga Reclamation Area Barangay 57, Cavite City. 

Base sa inisyal na ulat  ng mga awtoridad, nakilala ang nasawing piloto na si Lt. John Kyke Borres, 36 anyos ng Cebu City at co-pilot na Izzah Leonah Taccas , 27- anyos ng Tumain, Isabela .

Ideneklarang dead on arrival si Borres habang binawian naman ng buhay si Taccad habang ginagamot ng mga doctor sa Cavite Medical Center.

Sa ngayon ay kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang awtoridad upang matukoy ang  naging sanhi ng trahedya.