ARESTADO ang dalawa babaeng pasaherong Pilipino makaraang matuklasan ang ₱56.6 milyon halaga ng shabu sa International Arrival Area, NAIA Terminal 1, Pasay City noong ika-6 ng Mayo 2026.
Naharang ng Bureau of Customs (BOC) – Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang suspek mula Cambodia nitong Miyerkules ng madaling araw .
Natukalsan sa kanilang bagahe ang humigit-kumulang 8,324 gramo ng pinaghihinalaang Methamphetamine Hydrochloride, o “shabu” na ibinalot sa carbon paper at packaging tape kasama ng coffee powder, iba’t ibang pakete ng kape, at mga personal na gamit .
