DALAWANG overseas Filipino workers (OFWs) ang naiulat na nawawala sa Hong Kong.
Kinumpirma ng Philippine Consulate General (PCG) sa Hong Kong na sina Imee Mahilum Pabuaya, 24; at Aleli Perez Tibay, 33, ay nawawala mula noong Oktubre 4.
Huling nakita ang dalawa sa Yeung Uk Road, Tsuen Wan District, Hong Kong.
Huling nakipag-ugnayan umano si Pabuaya sa kanyang pamilya sa nasabing petsa, sinabing nagpadala siya ng pera sa kanyang ina.
Noong araw ding iyon, nakatanggap ng mensahe ang kapatid ni Pabuaya na si Irene mula sa amo ni Imee na nawawala ang OFW.
Agad na nakikipag-ugnayan ang OWWA sa pamilya ng dalawang OFW para sa posibleng tulong habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nakikipagtulungan na din ang konsulado sa Hong Kong police para matunton ang dalawang nawawalang Pinoy
