May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 sundalo patay sa tama ng kidlat

Ni Alex dela Cruz

NAUWI sa malagim na trahedya ang pagkamatay ng dalawang sundalo habang apat ang sugatan nang tamaan ng kidlat makaraaang magsagawa ng security operation sa Lubuagan, Kalinga.

Base sa ulat ng 54th Infantry Battalion(IB) nakilala ang mga nasawi na sina Cpl. Andrew Monterubio atPvt. Inmongog Aronchay.

Habang ang mga sugatang sundalo ay nakilala namang sina Sgt. Denis Bananao, Pfc. Melvin Danggalan, Pvt. Abegil Awingan at Pvt. Riel Angya.

Mabilis na isinugod sa Kalinga District Hospital  sina Bananao, Danggalan, Awingan at Angya na kasalukuyang nasa maayos na kondisyon na ngayon.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad , nagsasagawa ng pagtugis sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa border ng Western Uma, Lubuagan  at Balatoc sa Pasil , Kalinga ang mga sundalo nang mangyari ang insidente.

Nagpahatid naman ng pakikiramay ang 54th IB sa mga naulilang pamilya, kapatid, kaibigan at kamag-anak nina Monterubio at Aronchay.