
INIIMBESTIGAHAN na ng National Bureau of Investigation (NBI-CAVRO) ang pagkakaaresto kina Rommel Paltao y Lacanilao at Denis de Guzman y Gonzales sa Nueva Ecijamay 6 counts murder case.
Inaresto ng pinagsanib pwersa ng NBI-CAVRO, PNP-PRO 2 at PNP-PRO 3 si Paltao sa Brgy. Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija, habang si De Guzman naman ay naaresto sa Brgy. Luna, Sta.Rosa ,Nueva Ecija nitong Marso 25, 2025.
Ang mga pag-aresto ay ginawa alinsunod sa warrant na inilabas ng Regional Trial Court – Branch 28, Bayombong, Nueva Vizcaya, para sa pagpatay/ambush kay Aparri Vice Mayor Rommel Alameda at lima pang biktima noong Pebrero 19, 2023 sa Bagabag, Nueva Vizcaya.
Ang mga naarestong suspek ay ituturn-over sa nag-isyung korte para sa tamang disposisyon.
Patuloy na mangangalap ng impormasyon at mananatili sa paghahanap sa iba pang indibidwal na sangkot sa pagpatay sa mga biktima.