TIMBOG ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang gurong sa Barangay Alang-Alang, Quinapondan, Eastern Samar noong Hunyo 8, 2026.
Naaresto sina alyas “Joel” at “Jeric” sa Barangay Guinbalot-an, Sta. Rita, ng nasabing lalawigan sa isinagawang hot pursuit ng mga pinagsamang operatiba ng Quinapondan Municipal Police Station at ng Sta. Rita Municipal Police Station, sa tulong ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Agad na inilagay sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaukulang kaso.
Narekober din ng mga imbestigador ang motorsiklo ng biktima, na ginamit ng mga suspek sa pagtakas mula sa pinangyarihan ng krimen na nasa kustodiya ng Sta. Rita Municipal Police Station habang patuloy na nangangalap ng ebidensya ang mga imbestigador at inaalam ang mga pangyayari kaugnay ng kaso.
