June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 wanted sa Santillan Case,boluntaryong sumuko sa Rizal PNP

Ni Cyrill Quilo

MAKARAAN ang halos apat na taong pagtatago sa batas,naisipan ng sumuko ang dalawang wanted na sa akusado sa pagpaslang sa dating aide ni Atty.Glen Chiong na si Ricahard Red Santillan .

Base sa ulat kay Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L Baccay reported to Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Antonio C Yarra,boluntaryong sumuko sa Cainta Municipal Police Station na sina Police C Master Seargeant  Edgar Opanda Awa-ao and Police Corporal Jonel Villas Adin bandang alas 5 ng hapon nitong araw ng Miyerkules.

Ang dalawang  suspek ay miyembro ng Philippine National Police na naka base sa Cainta MPS na nasangkot sa kontrobersyal na overkilling kay Richard Red Santillan  noong Disyembre 10,2018.

Ang 10 kasamahan pa ng mga ito ay nasa Camp BGen Ola, Legaspi Albay  noong Linggo,February 20, 2022. 

Haharapin nila ang kanilang kaso at  hinihiling na maging patas sa kanila ang batas.

Sinisigurado naman ni PCol Baccay na magiging patas and trato sa kanila habang nasa pangangalaga ng Rizal PNP