June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

20 Milyon sa Calabarzon fully vax na

Ni Len Dancel

TINATAYANG umabot na sa higit 20 milyong bakuna na ang naiturok ng sa mga mamamayan ng CALABARZON.

Sa talaan ng Department of Health  Region 4-A nitong Marso 1  umabot na sa 20,556,380 ang kabuuang dose ng bakuna laban sa nakamamatay na sakit na Covid-19.

Umabot na sa 9,598,263 ang nakatanggap na ng kumpletong dose ng bakuna ,habang 10,265,293 naman ang may isang turok pa lamang 1,753,649 na ang may booster shots.

Sa lalawigan ng Cavite ang may madaming nabakunahan kung saan mayroong 2,684,317 ang fully vaccinated na,sumunod ang Laguna na may 2,096,466;Rizal 1,793,552;Quezon 937,606 at Lucena City 174,068.