May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

22 % ibinaba ng Covid cases mula Oct.17-23 -DOH

Ni Lilay dela Cruz

BUMABA ang daily average ng kaso ng corona virus ng 22 porsyento mula Oktubre 17 hanggang 23 , ayon sa Department of Health .

Mula sa naitalang  2,188 kada araw  mula Oktubre 10 hanggang 16  ,bumaba ang  bilang nito sa 1,714 kada araw nitong nakaraang linggo.

Sa pinaka huling bulletin, mayroong 11,995 na bagong kaso at 272 ang mga nasawi.

Ayon pa sa DOH mayroon pang naidagdag na 26 noong Oktubre 10 hanggang 23.

Apat na kaso ang naidagdag sa nagkaroon ng Malala at kritikal na sakit  kung saan  bumaba sa 650 mula sa 690 noong nagdaang linggong iyon.

Nasa 23.1 porsyento o 581 mula sa 2,520 ang nasa intensive care unit (ICU) beds ang naukupa, habang 26.4 porsyento o 5,666 sa 21,474 ang nasa non-ICu beds naman.