February 29, 2024

22 wanted persons huli sa 1- day operation ng Laguna PNP

Ni Alex dela Cruz

DALAWAMPU’T dalawang katao ang naaresto sa isang araw  na  “Warrant Day” operation ng Laguna Police  kahapon.

Sa ulat ni PCol Harold Depositar , Officer -in-charge  ng Laguna Police Provincial Office kay Calabarzon Regional director PGen Carlito Gaces, kabilang sa mga naaresto ang 2 Most Wanted Person Provincial level na may kasong Sexual Abuse at R.A 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, 1 City/Municipal Level na nahaharap naman sa kasong 3 counts of Robbery. Bukod sa mga nasabing Most Wanted Person ay kabilang ang 19 ibang  wanted persons.

Ang mga arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units.

Ang ‘Warrant Day’ ng Laguna PNP ay isinasagawa tuwing Huwebes at matagumpay na naipapatupad sa pamamagitan ng mga nakakaalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng komunidad sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.