ARESTADO ang 223 Drug Personalities sa one month na anti-illegal drug operations ng Laguna PNP sa buwan ng June 2024 kung saan narekober ang PhP3,832,752.00 halaga ng droga .
Ang Laguna PNP ay patuloy sa mga operasyon laban sa iligal na droga sa pamumuno ni PCol Gauvin Mel Unos , Acting Provincial Director, Laguna PPO at kooperasyon ng mga mamamayan,Barangay Intelligence Network (BIN) sa ibat ibang bayan sa Laguna upang matagumpay na naisasagawa ang mga operasyon.
Ang One Month na Anti-Illegal Drug Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 223 drug personalities sa isinagawang 176 operasyon, kung saan ay nakumpiska ang humigit kumulang na 553.74 gramo ng shabu at 561 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na aabot sa PhP3,832,752.00. Kabilang sa mga naaresto ang 11 na High Value Individual (HVI) at 212 na Street Level Individual (SLI).
Samantala, ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Forensic Unit para sa forensic examination. Inihahanda naman ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso laban sa mga suspek na paglabag sa Republic Act 9165 o โComprehensive Dangerous Drug Act of 2002โ.
Ayon sa pahayag ni PCol Unos โAng Anti-illegal drugs operation ng Laguna PNP ay hindi titigil upang mailayo ang ating mga kababayan sa pinagbabawal na gamot lalo na ang mga kabataan sa buong lalawigan ng Laguna.โ
