NAKAPAG-RENEW na ng prangkisa ng 25 pang taon ang Manila Electric Company (Meralco), sa ilalim ng Republic Act 9209.
Naipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukala na nakakuha ng botong 186-7 at apat na abstention .
Sa ilalim ng RA 9209, nabigyan ang Meralco ng prangkisa para magtayo, magpatakbo at magpanatili ng sistema ng pamamahagi para sa paghahatid ng kuryente sa mga end user sa mga lungsod at munisipalidad ng Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal, at ilang lugar sa Batangas, Laguna, Quezon at Pampanga.
Ang panukalang batas ay naglalayong i-utos ang Meralco na patakbuhin at panatilihin sa mahusay na paraan ang lahat ng mga pasilidad sa pamamahagi, linya at sistema para sa mga serbisyong elektrisidad, at pagbutihin at baguhin ang mga pasilidad o sistema sa paraang tulad ng pag-unlad ng teknolohiya at pagpapabuti o inobasyon sa mga serbisyo ng kuryente. upang maging nararapat sa kailangan ng Energy Regulatory Commission o ng Department of Energy.
Nakapaloob din sa batas na ang Meralco ay kailangangmagsumite ng taunang ulat ng mga operasyon at pananalapi nito sa kongreso sa pamamagitan ng Committee on Legislative Franchises ng House of Representatives at Committee of Public Services ng Senado bilang pagsunod sa mga tuntunin ng operasyon bago ang Abril 30 ng bawat taon pagkatapos ng bisa ng Batas.
Ang reportorial compliance certificate na inisyu ng Kongreso ay kailangan bago ang anumang aplikasyon para sa permit o certificate ay tinanggap ng ERC.
Kabilang sa mga may-akda ng panukalang batas ay sina Reps Joey Sarte Salceda, Gus Tambunting, Rufus Rodriguez, Lord Allan Velasco, Kristine Singson-Meehan, Mercedes Alvarez, Marcelino Libanan at Johnny Ty-Pimentel.
Kaugnay nito ay inaprubahan na rin ng kamara ang HB 10698, na nagbibigay sa Camarines Sur IV Electric Cooperative, Inc. (CASURECO IV) ng prangkisa.
Nakakuha ng botong 196-1 at isang abstention ang panukalang batas para magtayo, mag-install, magtatag, magpatakbo, magmay-ari, pamahalaan at panatilihin ang sistema ng pamamahagi para sa paghahatid ng kuryente sa mga end user sa mga munisipalidad ng Ocampo, Tigaon, Sagñay, Goa, San Jose, Lagonoy, Presentacion, Garchitorena at Caramoan, lahat sa Camarines Sur.