MULING naitala ang local na pamahaalan sa lungsod Quezon ang ika– 6 na panibagong kaso ng MPOX ayon ito sa inilabas na resulta ng City Epidemiology and Surveillance Division (CESD) ng Quezon City Health Department noong Oktubre 31.
Nakumpirma ng lungsod ang nagpositibong sa MPOX ang pasyenteng lalaki na 31-anyos na residente ng Quezon City matapos magpakita ng mga sintomas noong Oktubre 18.
Batay sa pagsisiyasat ng CESD, bumisita ang pasyente sa Fahrenheit Club (F Club) noong Oktubre 5.
Matatandaan na ang F Club ang unang nakitaan ng pasyenteng may MPOX sa Quezon City.
Sa talaan ng lungsod noong Agosto 24, naglabas ang Business Permits and Licensing Department (BPLD) ng cease and desist order (CDO) sa F Club dahil sa pagtanggi na makipagtulungan sa contact tracing team ng lungsod at paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events. ng Public Concern Act.
Ang isang compliance order noong Setyembre 27 muling pinaalalahanan ang establisyimento na sumunod sa mga itinakdang batas.
Sa nanantiling cease and desist order naman , nakatanggap ang BPLD ng bagong aplikasyon ng negosyo ang “F.I.N.E Wellness bar at F.I.N.E spa,” ngunit nang siyasatin na parehong address at pasilidad sa F Club.
Agad na pina-hold ang aplikasyon matapos matuklasan ito ng inspektor at nagpatuloy sa operasyon gamit ang bagong application ng negosyo.
“In the interest of public health, we are serving the closure order to F Club and this FINE Wellness bar and Spa. Kahit magpalit pa kayo ng business name, hindi namin kayo papayagang mag-operate hanggat hindi pa kayo compliant sa mga batas, regulasyon. at regulasyon ng lungsod,” ayon kay Mayor Joy Belmonte .
“Hindi namin hahayaan na marami pang QCitizen ang malagay sa panganib. Ensuring the safety and well-being of our QCitizens remains our primordial duty,”dagdag pa ng alkade.
Samantala, para mas masugpo ang pagkalat ng MPOX virus, magsasagawa ang lungsod ng isang forum kasama ang mga spa, wellness, at entertainment establishments ngayong linggo.
Tatalakayin ng CESD ang mga protocol ng MPOX ng lungsod, habang ipapaliwanag at uulitin ng BPLD ang mga permit at dokumento na dapat sundin ng mga negosyo.