Camp BGen Paciano Rizal, Sta Cruz, Laguna – Arestado ang 255 na personalidad at kumpiskado ang humigit kumulang PhP8,019,585.00 halaga ng iligal na droga sa apat na araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Laguna PPO simula Nobyembre 14-18, 2023.
Sa isinagawang magkakahiwalay na drug buy-bust operations, naaresto ang 91 na indibidwal at nakumpiska ang 1,161.54 gramo ng shabu at 1.65 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na aabot sa PhP8,019,585.00.
Sa manhunt operations, naaresto ang 64 na most wanted at wanted persons. 18 sa mga ito ay Most Wanted Persons at 46 naman ay Other Wanted Persons. Sa mga MWPs, tatlo (3) dito ay Regional Level Most Wanted Persons, siyam (9) ay Provincial Level MWPs, at anim (6) naman ay City/Municipal level MWPs.
95 na personalidad naman ang arestado sa illegal numbers of games at others forms of illegal games sa ikinasang mga operasyon laban sa iligal na pagsusugal.
Sa operations against loose firearms, naaresto ang limang (5) indibidwal at nakumpiska sa kanila ang anim (6) na baril.
Ang SACLEO ay isang intel-driven operations ng PNP laban sa lahat ng uri ng kriminalidad kasama na ang iligal na droga, loose firearms, at iligal gambling.
Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, ““Ang tagumpay ng operasyong ito ay patunay sa malasakit at suporta ng mga mamamayan ng Laguna sa laban kontra kriminalidad. Sa tulong ng aktibong partisipasyon ng komunidad, napagtibay ang pagsisikap ng kapulisan na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng lahat laban sa most wanted persons, iligal na droga, loose firearms, at mga iligal na sugal. Ang matagumpay na SACLEO sa Lalawigan ay nagpapakita ng mahusay na koordinasyon at determinasyon ng Laguna PNP at ng mamamayan ng Laguna na ipagtanggol ang bayan laban sa mga uri ng krimen.