June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

29 na suspek arestado sa 2-day anti-illegal drugs operations ng Laguna PNP

Ni Alex dela Cruz

ARESTADO ang 29 na personalidad sa isinagawang Two-Day Anti-Illegal Drugs Operations noong March 31, 2023 at April 1, 2023 ng Laguna PNP,.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn Silvio , Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ipinagbabawal na droga ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Ang Two-Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 29 drug personalities sa naisagawang 22 operasyon sa buong probinsiya, kabilang sa mga na aresto ang isang High Value Individual (HVI) at na samsam naman ng mga awtoridad sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 615.49 gramo ng hinihinalang Shabu at 15.5 gramo ng Marijuana na may kabuang halagang aabot sa Php 4,166,882.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination. Samantala, nahaharap ang mga arestadong suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.