NAILIGTAS ang tatlong araw ng nawawalang mangingisda sa 17 nautical miles mula sa baybayin ng Agno Pangasinan kahapon, ika-10 ng Marso 2024.
Nakilala ang nawawalang mangingisda bilang si G. Dexter Abalos, 32-anyos na residente ng Brgy Aloleng, Agno, Pangasinan.
Ayon sa kanyang salaysay , siya ay nangisda siya noong ika-07 ng Marso 2024. Habang papunta na siya pabalik sa baybay, biglang binangga ng isang dolphin ang kanyang motorbanca na nagdulot sa ito ng pagkasira.
Nagawa niyang lumangoy patungo sa isang fish marker, na kilala sa lokal bilang “payao” at itinabi ang kanyang motorbanca dito. Nanatili si G. Abalos doon ng ilang araw habang naghihintay ng pagliligtas na dumating.
Natagpuan ang nawawalang mangingisda sa pamamagitan ng air surveillance na isinagawa ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) ngayong umaga.
