HULI ng mga awtoridad ang tatlong lalaking Chinese na umano’y sangkot sa isang insidente ng pagnanakaw sa isang flight patungong Maynila nitong Miyerkules.
Kinilala ni Joel Anthony Viado, officer-in-charge ng Bureau of Immigration (BI), ang mga suspek bilang Xie Xiaoyong, 54; Lyu Shuiming, 48; at Xu Xianpu.
Base sa ulat , ang tatlong dayuhan sa mga opisyal ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Setyembre 15, matapos na mapag-alamang may ninakaw silang handbag sa isang Philippine Airlines flight mula Kuala Lumpur.
Nahuli ng isang flight attendant ang tatlo sa akto ng pagnanakaw ng handbag mula sa overhead stowage bin na pag-aari ng isang babaeng judge.
Nakita kalaunan si Lyu na naghahalungkat sa mga personal na gamit ng biktima, kinukuha ang mga mahahalagang gamit at pera na nagkakahalaga ng P63,000.
Ayon sa BI, ang mga suspek ay nag-transit sa Pilipinas mula Malaysia patungong Hong Kong.
Agad na inaresto ng mga opisyal mula sa Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) si Lyu, na natuklasang may valid visa upang makapasok sa Pilipinas habang pinahihintulutan sina Xu at Xie na sumakay sa isang outbound flight.
Pinagpasalamat ng BI chief ang mga tauhan ng airline at ang PNP AVSEGROUP sa kanilang pagiging mabilis at tulong sa kaso.