BUMAGSAK ang isang piraso ng kongkretong debris noong Martes mula sa isang condominium unit kung saan ikinasugat ng tatlong estudyante sa Tomas Morato, Quezon City.
Dalawa sa mga biktima ay nasa malubhang kondisyon sa ospital.
Sinabi ng mga saksi na kalalabas lang ng tatlong estudyante sa isang convenience store sa A. Roces Avenue sa kanto ng Tomas Morato nang biglang bumagsak ang plaster sa pagitan ng ikapito at ikawalong palapag ng isang gusali at tinamaan sa ulo ang mga biktima alas-4:30 ng hapon. noong Martes.
Dalawa sa mga biktima ang nawalan ng malay at nabigyan ng paunang lunas sa pinangyarihan bago isinugod sa Capitol Medical Center.
Habang humihingi naman ng tulong pinansyal ang pamilya ng mga biktima sa gitna ng tumataas na gastusin sa ospital.
Sinabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na magbibigay ito ng tulong sa mga estudyante at kanilang pamilya.
Iniimbestigahan na ng Quezon City police ang sanhi ng insidente.
