May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

3 katao nalunod sa dagat , 2 patay

Ni alex dela Cruz

NASAWI ang dalawang katao habang isa ang nakaligtas makaraang malunod ang mga ito sa Paniman Beach, Puerto Azul,Brgy Sapang 1,  Ternate, Cavite nitong Linggo .

Hindi na nakaligtas sina . Lolito Bolea y Lara, 55 anyos at Joy Medina y Lotero, 46 anyos na parehong naninirahan sa  Blk 14, Lt 3, Southern Heghts 2, Brgy U. B I. , San Pedro Laguna  habang nailigtas naman si Sandy Poblete y Nobleza,23 anyos Brgy Tagapo, Santa Rosa Laguna.

Ayon sa ulat ng pulisya, naliligo sa dagat ang mga biktima nitong araw ng Linggo bandang ala 1:00 ng hapon nang nang biglang lumaki ang alon dala ng malakas na ihip ng malakas na hangin.

 Mabilis na napadpad sa malalim na bahagi ng dagat ang mga biktima at hindi na nakabalik sa pampang ang mga ito.

Dito na nalunod sina Bolea at Medina  habang naisalba naman ng mga rescuers si Poblete.