TATLONG suspek ang inaresto sa ikinasa ng pinagsamang operatiba ng PDEA Batangas Provincial Office at ng PNP DEG ang isang buy-bust operation na nagresulta ng pagkakalansag ng isang pinaghihinalaang drug den sa Purok 5, Barangay Calicanto, Batangas City, Batangas.
Arestado sina alias Andy, 54, tinaguriang high-value target, na isang magsasaka at pinaghihinalaang nagpapatakbo ng drug den; alias Danilo, 43; at si alias Henzon, 27 na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Nasamsam sa mga suspek ang humigit kumulang na sampung (10) gramo ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money at ibat ibang uri ng drug paraphernalia.
Sasampahan sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na ngayon ay makukulong pansamantala sa PDEA Regional Office 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna.
