SABAY-SABAY na ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang walong (8) sangay ng Visa To America Manila Inc. at ang pangunahing tanggapan nito sa Ortigas Center, Pasig City sa isinagawang anti-illegal recruitment operations kahapon, Agosto 1, 2025 dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na recruitment scheme na nag-aalok ng J1 at H1B visa sa mga prospective na kliyente.
Pinangunahan ni DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac ang closure operations ng main office sa Ortigas Center habang isinagawa din ang sabay-sabay na shut down operations para sa mga sangay nito sa Cebu City, Lucena City, Iloilo City, Santiago City, Quezon City, Davao City, at Zamboanga City.
Base sa ulat , ang opisinang ito ay nagrerecruit ng mga gustong magtrabaho bilang mga guro at propesyonal sa industriya ng hospitality. sa isang anti-illegal recruitment operations na ginanap ngayong araw, Agosto 01, 2025.
Sinabi ni Cacdac , “Kung sila’y involved in job matching, inooferan nila ng trabaho dito yung worker na may counterpart sila sa US na mayroon na nakahandang employer. So that is clearly a case of recruitment. They are recruiting for overseas employment na walang lisensiya sa DMW and under the laws, that is a case of illegal recruitment”.
Nag-alok ang consulting company ng visa processing, mock job interviews, job application processing kasama ang tulong sa paggawa ng kanilang CV sa bayad na USD 5,400 para sa J1 visa at USD 8,500 para sa H1B visa o katumbas ng Php 300, 000 hanggang Php500,000.
Naengganyo ang mga aplikante sa trabaho na mag-aplay na may ipinangakong suweldo mula USD 40,000 hanggang USD 100,000 para sa trabaho sa iba’t ibang estado sa United States.
Nag-deploy na umano sila ng mahigit 50 kliyente sa US mula nang magsimula silang mag-operasyon noong 2022. Susubaybayan ng DMW ang mga naka-deploy na OFW para sa anumang paglabag sa kontrata.
“We will monitor and we will dig into their records kung sino pinadala nila. OFW teachers na ang kontrata ay nilabag at hindi naaayon sa labor laws ng host country at sa ating mga batas, so we will monitor their situation lalo na ang terms and conditions of their employment, kung nahaharap sila sa contrata na hindi nila gusto o substandard,” ani Secretary Cacdac.
Ang J1 visa ay isang exchange visitor visa at para sa pagtataguyod ng cultural exchange sa pagitan ng dalawang bansa habang ang H1B ay isang employment pathway sa US at kinokontrol ng DMW sa pamamagitan ng deployment sa pamamagitan ng accredited licensed employment agencies.
Sa ilalim ng anti-illegal recruitment laws, ang pagpapatakbo ng recruitment agency na walang lisensya mula sa DMW ay isang kaso ng illegal recruitment.
“Ang kahalagahan ng lisensiya mula sa DMW, ibig sabihin regulated ang kanilang pagrerecruit. Ibig sabihin sisiguraduhin nila na naaayon sa batas ng host country at most especially ng Pilipinas, yung method ng pagrerecruit, yung kontrata, yung visa, yung kaparaanan ng pagdedeploy, yung job interview, all those things ay regulated under the DMW pero kung wala kang lisensiya iniiiskip mo lahat ng yun. Recvil. regulated economic or business endeavor sa ating bansa sa ilalim ng ating mga batas.,” dagdag ni Secretary Cacdac.
Ang isinagawang anti-illegal recruitment operations ng DMW-Migrant Workers Protection Bureau ay bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking protektado ang mga OFW laban sa illegal recruitment. Ang DMW ay nagpapaalala rin sa mga aplikante ng trabaho na tiyaking nakikipag-ugnayan sila sa mga lehitimong at lisensyadong recruitment agencies sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa DMW o sa pamamagitan ng pag-verify sa pamamagitan ng DMW website.
