TIKLO ang tatlong magnanakaw na sumalakay sa convenience store sa Barangay Marinig, Cabuyao City noong Huwebes ng gabi, Sept.11.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jason, 26; Reynaldo, 41, at Ronel, 24.
Habang pinaghahanap pa rin ang isa pa nilang kasama.
Nahuli ang mga suspek sa isinagawang hot-pursuit operation matapos ang pagnanakaw sa isang convenience store dakong ala-1:30 ng madaling araw noong Setyembre 10 sa Barangay Gulod .
Nakita sa cctv footage ang mga suspek na armado ng .38 caliber revolver saka mabilis na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.
Samantala tinutugis na ng pulisya ang natitirang suspek.
