
SINIBAK sa pwesto ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Lunes ang tatlong tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) na sangkot sa umano’y tanim-bala incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong nakaraang linggo.
“Inaaanunsyo namin ang termination ng lahat ng tao sa OTS na sangkot sa insidente. Isasampa ang tamang administrative charges pagkatapos ng imbestigasyon,” sabi ni Dizon sa press briefing nitong Lunes.
“Ang pagpapapnatili sa gobyerno ay hindi nagbibigay sa inyo para abusuhin ang mga tao. Hindi kukunsintihin ng Presidente ang ganitong uri ng pag-uugali,” dagdag niya.
Hinala ng tatlong screening personnel na may dalang agimat o bala ang 69-anyos na babae sa NAIA..
Nag-viral sa social media nitong weekend ang isang post sa social media ng pasaherong si Ruth Adel, na noon ay papunta sa Vietnam para magbakasyon, na nagsasalaysay ng kanyang karanasan sa mga tauhan sa screening ng airport noong Marso 6 sa NAIA Terminal 3.
Papunta na raw siya sa boarding gate nang lapitan siya ng mga screening personnel para sabihing may bala siya sa kanyang bag.
Ang mga tauhan ay may iba’t ibang mga pahayag, tumawa, at sinubukan pang itago ang kanilang mga name tag nang malaman na sila ay kinukunan.
Sinabi ng bagong-install na OTS administrator na si Arthur Bisnar na hindi niya kukunsintihin ang pagmamataas at mapang-abusong pag-uugali sa kanyang mga tauhan.
Hiniling ni Dizon sa mga hepe ng OTS at Manila International Airport Authority na suriin ang mga pamamaraan at protocol para sa screening.
Parehong itinuro nina Bisnar at Dizon ang mga lapses sa mga natanggal na tauhan na umamin na hindi sila sigurado kung ang bag na may bala na nakita nila sa x-ray image ay kay Adel.
Hinimok ng Transportation Secretary ang publiko na i-report kaagad sa airport hotline ang mga ganitong insidente.