
HIGIT 100 katao ang nasagip ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crimes Division (OTCD) sa isang club na sangkot sa human trafficking sa Makati City.
Nakatanggap ang OTCD ng impormasyon na ilang menor de edad ang nagtatarabaho sa isangng establisyimento ng Me Two Club (M2), na sinasabing sangkot sa trafficking ng mga kababaihan.
Batay sa impormasyon, sa ilalim ng pangangasiwa ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.),isinagawa ang isang entrapment at rescue operation sa pakikipag-ugnayan sa Makati Social Welfare Department (MSWD), NBI-Human Trafficking Division (HTRAD), Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT), at isang non-government organization para mahanap at mailigtas ang mga kababaihan sa trafficking .
Pinasok nitong Marso 7 ng mga pinagsamang operatiba ang M2 Club at nagpakilala sila, ipinaliwanag ang layunin ng operasyon, at ipinaalam ng mga kabilang sa operasyon ay nire-record sa pamamagitan ng paggamit ng body-worn camera.
Ang mga biktima ay itinurn-over sila sa Social Workers ng kani-kanilang Local Government Units (LGUs).
Anim (6) na Customer Care Assistant (CCA) ang boluntaryong nagbigay ng kanilang sinumpaang salaysay sa NBI, na nagkumpirma sa pagkakaroon ng mga sekswal na alok at aktibidad na ibinibigay sa mga customer ng M2 .
Dahil dito, inaresto ang mga operator ng M2, na kinilala bilang mga bugaw o “mamasang” na nag-facilitate sa pagpapakita ng humigit-kumulang 100 CCA sa mga poseur, gayundin ang isang indibidwal na nakatanggap ng bayad para sa mga napiling CCA mula sa poseur customer, na naaresto.
Kinilala sila na si alias “Mommy Carlie”, alias “Mommy Andy “ at alias “Mommy Mika”.
Ang mga paksa ay iniharap para sa inquest proceeding sa harap ng City Prosecutor’s Office ng Makati City para sa paglabag sa Section 4(a) ng R.A. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), na sinususugan ng R.A. 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) at Itinurn-over sila sa NBI Detention Facility sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.