
Camp Vicente Lim, Calamba City , Laguna- SINAMPAHAN na ng kasong robbery ang tatlong pulis na itinuturing na mga suspek sa pagnanakaw sa isang bahay sa Grand Centennial Homes, Brgy. Magdalo-Potol, Kawit, Cavite noong Pebrero 13.
Sa ginanap na press conference sa kampo nitong Miyerkules, ika-6 ng Marso 2024, tinukoy ni Police Regional Office 4-A (Calabarzon) Director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang tatlo bilang sina Police Senior Master Sgt. Jhon Paolo Maigue Mellona, isang pre-charge investigator sa Cavite Provincial Intelligence and Detective Management Unit; Police Senior Master Sgt. Reynaldo Andrada Quilit Jr., mula sa Provincial Intelligence Unit ng Cavite Police Provincial Office, at Police Corporal Lynard Pastrana Pareja, ng Provincial Drug Enforcement Unit, Laguna Police Provincial Office.
Ang tatlong pulis, kasama ang dalawang kasama ng sibilyan at apat na dipa natutukoy ang pagkakakilanlan, ay kinasuhan ng robbery sa Cavite Prosecutor’s Office sa Lungsod ng Imus noong Martes.
Sa isinagawang imbestigasyon na ipinakita na ang mga suspek, na naka-suot ng itim na jacket, kulay gray na long sleeves, cap, at face mas na pumasok nang madahas sa dalawang tirahan sa Grand Centennial Homes sa pamamagitan ng armas at tinalian ang mga kasambahay, bodyguard, at security guard ng isang Indonesian pogo supervisor.
Kinuha rin ng mga suspek ang mahahalagang gamit, kabilang ang mga cellphone, identification cards , isang baril, at hhindi pa malamang halaga ng pera.
Kinondena naman ni Lucas ang pangyayari at sinabi niya na ang tatlong pulis ay inalis mula sa kanilang mga yunit at inilagay sa restrictive custody sa Regional Headquarters Holding Area Section (RPHAS).
Idinirekta rin ng pulis ng Calabarzon ang Regional Investigation and Detective Management Division, sa pakikipag-ugnayan sa Regional Internal Affairs Service, upang magsagawa ng isang parehong administratibong imbestigasyon sa kaso.
“I reiterate my clear stance against misconduct by any member of our force. We condemned such actions in the strongest terms and assure the public that these officers, if found guilty, will meet the full arms of the law,” ayon pa kay Lucas.
“We will ensure the safety and security of our community and we shall have zero tolerance for any form of criminal activity involving members of our police force,” dagdag pa ni Lucas.