
ARESTADO ng tatlong Most Wanted Persons na may warrant of arrest dahil sa Paglabag sa RA 10883 o New anti-carnapping law makaraang ikasa ang magkakahiwalay na operasyon nitong Miyerkules sa lalawigan ng Rizal .
Ang Regional Highway Patrol Unit 4A sa ilalim ng pangangasiwa ng Regional Chief RHPU4A, PCol Rommel C. Estolano ay isinagawa ang magkakahiwalay na anti-carnapping operations na nagresulta sa pag-aresto ng mga suspek na sina Lloyd Daculay Degones, 39 ; Mark Basigsig y Reyes, 23 at Jean Christian Faustino, 27 anyos na pawang may mga Warrant of Arrest para sa Paglabag sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA10883) at kabilang sa Most Wanted Person sa Provincial Level ng Rizal PPO.
Sa pinagsamang elemento ng PHPT Rizal sa pangunguna ni PEMS Aaron Ezrah Cabillan Deputy, Provincial Officer, Taytay MPS at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nang isagawa ang magkakahiwalay na operasyon kung saan unang naaresto si Faustino sa Verde Oro East Plaza Manila East Road Brgy San Juan Taytay, Rizal bandang alas 10:30 ng umaga ng Miyerkules
Natimbog din sina Dacula at Basigsig naman ay naaresto bandang 3:30 PM sa Zuri Subd Cabrera Road Brgy Dolores Taytay, Rizal naaresto Dacula at Basigsig dahil sa warrant of Arrest for the crime of RA 10883 Carnapping o Criminal Case Number 24-118-MAL na nisyu nitong February 20, 2024 ni Hon.Rosario Gomez Inez ang Presiding Judge RTC Branch 290 Malabon City with bail na nirekomenda na PHP 300,000.00.
Sa ngayon ang suspek ay pansamatalang nasa kustodiya na ng PHPT Rizal habang hinihintay ang pagbabalik sa hukumang pinagmulan.
Ang outstanding accomplishment of RHPU4A ay resulta ng pinaigting na Anti-Carnapping Operations ng Highway Patrol Group sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Alan Nazarro ayon kay CPNPs Agressive operations laban sa carnapping, highway robbery, at iba pang kriminalidad sa kalsada.