MAGPAPATUPAD ng dagdag pamasahe ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) simula Abril 2.
Ito ay matapos maglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng notice of approval para sa pagtaas ng pamasahe sa LRT-1 noong Pebrero 14.
Inanunsyo ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) president Enrico Benipayo nitong Martes ang bagong fare scheme.
Batay sa desisyon ng DOTr’s Rail Regulatory Unit (RRU), tumaas ang LRT-1 boarding fare sa P16.25, na may distansyang P1.47 kada kilometro.
Ang minimum na pamasahe para sa single journey ay maging P20 mula P15.
Ang pamasahe mula Dr. Santos Station hanggang United Nations Station ay nagkakahalaga ng P35 mula P30; at mula Dr. Santos Station hanggang Fernando Poe Jr. Station hanggang P55 mula P45.
Ang pamasahe para sa mga pasaherong gumagamit ng stored value na “Beep” cards ay bahagyang bababa sa P19, P34, at P52,.
Sinabi pa ni Benipayo, ang pagtaas ng pamasahe ay ang pangalawang pagkakataon na nabigyan ang LRMC ng fare adjustment sa nakalipas na 10 taon sa kabila ng pagbubukas ng LRT-1 Cavite Extension.
