
Magsingal, Ilocos Sur –NAKAHULI ng isang blue marlin na may bigat na 339 kilo ang mga maningisda ng Barangay Puro sa Bayan ng Magsingal, Ilocos Sur noong nakaraan Martes, January 14, 2025.
Ang dalawang masuwerteng mangigisdang nakabingwit ay ang magkapatid na sina Ciano Tinqui at Gomez Tiqui.
Ito ay umabot sa 7 metro ao humigit-kumulang nsa 20 feet at tinatayang pinakamalaking huli nila ngayong buwan maliban sa iba pang mga blue marlins na may bigat na 200 kilos na kanilang nalambat naman noong January 10, 2025.
Ang blue marlin (Makaira nigricans) ay lumalaki na may habang hanggang 4.9 na metro at nagtitimbang ng hanggang 816.5 kilograms.
Ang bayan ng Magsingal ay mayaman sa mga iba’t-ibang klase ng isda at isa itong pinangagalingan ng mga pangunahing yaman tubig na dinadala sa mga iba’t-ibang merkado sa probinsya ng Ilocos Sur..