February 25, 2024

36 estudyante sa Batangas nakalanghap ng smog ng Bulkang Taal

Ni Len Dancel

PINAG-IINGAT ng Department of Health – Center for Health Development 4A ang mga residenteng malapit sa Bulkang Taal na may sanhi ng  epekto sa kalusugan ng volcanic smog  sa Mataas na Kahoy sa Batangas.

Naitala ang 36 na estudyante  mula sa Bayorbor National Highschool at Bayorbor Senior High School ang agarang dinala sa Rural Health Unit niotng Biyernes, Setyembre 8 kung saan nakaranas ang mga ito ng pananakit ng dibdib , hirap sa paghinga at nahihilo.

Siniguro ng DOH kabilang ang Provincial DOH Office at Municipal Health Office na agarang aksyon at pinuntahan ang apektadong komunidad.

Namahagi ang kagawaran ng 4,100 pirasong facemask sa mga residenteng apektado habang agad na nagpadala ng suveilance officer upang tingnan at bantayan ang kalusugan sa buong  komunidad.

Sinabi ng Phivolcs , “It consists of fine droplets containing volcanic gas such as SO2 which is acidic and can cause irritation of the eyes, throat and respiratory tract in severities depending on the gas concentrations and durations of exposure,” .

Sa huling bulletin na inilabas ng Phivolcs ngayong araw ng Sabado ay naitala ang walong volcanic earthquakes kabilang ang dalawang volcanic tremors na tumagal ng 2 hanggang 3 minuto sa loob ng 24 oras.

Nananitili sa Alert level 1 status pa rin ang Bulkang Taal.