NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation-Cavite North District Office (NBI-CAVIDO North), ang isang 4- na taong gulang na batang babaeng at dalawa pang kapatid sa panghahalay sa kanila ng kanilang amain sa San Pablo City , Laguna.
Natanggap ng CAVIDO North sa ilalim ng pangangasiwa ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.),ang ulat noong Marso 30, 2025 mula sa isang non-government organization tungkol sa tatlong batang babae na ginagawan ng sekswal ng kanilang stepfather ng dalawang anak-anakang babae at tunay na anak na bunso ng suspek .
Ayon sa dalawang step daughter, 19 at 14 years old, nagsimula ang insidente ng panghahalay noong 20 habang ang kanilang ina ay nagtatrabaho noon bilang isang OFW sa Kuwait.
Minomolestya ng suspek ang mga anak sa pamamagitan ng pagmasahe sa kanilang mga dibdib, pagpasok ng kanyang mga daliri sa loob ng ari, at panggagahasa.
Karaniwang nangyayari ang pang-aabusong sekswal habang natutulog ang mga bata sa kanilang kwarto upang hindi magsumbong sa kanilang kaanak ang ginagawang kabastusan .
Maging ang kanyangh 4- na taong gulang na anak na babae ay ginagawan din ng kabastusan ng ama habang pinaliliguan ito .
Dahil da tindi ng kalaswaan ng amain ay hindi na nagatubili ang mga step daughters na humingi ng saklolo sa NBI dahil sa gumagamit rin umano ang suspek ng ipinagbabawal na gamot .
Kaya naman, agad na nagsagawa ng rescue operation ang NBI-CAVIDO North noong Marso 31, 2025 sa San Pablo City, Laguna upang iligtas ang biktima at inaresto ang suspek alinsunod sa Rule 113 Section 5a at 5b ng Rules on Criminal Procedure.
Kakasuhan ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 8353 (Anti-Rape Law), R.A. No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), at R.A. 9208 o R.A. 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) sa prosecutor’s office ng San Pablo City, Laguna
