MASUSING iniimbestigahan ang isang apat na taong gulang na batang lalaki makaraang mamatay noong Lunes matapos siyang mahulog mula sa ika-27 palapag ng isang condominium sa Bgy. Lahug, lungsod ng Cebu.
Base sa salaysay ng ina ng biktima sa mga imbestigador , iniwan niya ang kanyang dalawang anak na natutulog sa silid, kasama na ang apat na taong gulang na batang lalaki, upang gumawa ng kape.
Nang bumalik ang ina, wala na ang batang lalaki sa silid. Kaagad siyang naghanap ng kanyang anak.
Sinabi sa ina na may bumagsak mula sa mas mataas na palapag ng gusali, hanggang sa napatunayan na nahulog ang kanyang anak na hinahanap.
Lumalalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na umakyat ang bata sa balkonahe bago siya mahulog at mamatay.
Ipinakita ang katawan ng bata na tumama sa isang tolda sa ikatlong palapag bago siya mahulog sa sahig malapit sa pool.
Ang bata ay dinala sa ospital ngunit idineklara siyang patay ng mga doktor .
Napag-alamanang ang ama ng bata ay isang OFW na nagtatatrabaho sa ibang bansa.
Sa ngayon ay nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa nangyaring trahedya.
