June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

4 katao huli sa 22.5 M high-grade Marijuana

Ni Emmanuel Santiago

TINATAYANG 22.5 milyong piso ang halaga na high-grade marijuana ang nasabat sa apat na katao sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City nitong Lunes ng gabi.

Base sa ulat kay Brig. Gen. Randy Peralta, chief of the Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG),natukoy ang mga suspek na sina Mivier Miranda, Abdel Badio, Jeffrey Tavas, at Dante Garbida, na pawang residente ng Cainta, Rizal.

Isinagawa ang buy-bust operation East Road Bank, Soldiers Village in Barangay Sta. Lucia bandang alas 6:15 ng gabi kung saan narekober ang 15 kilograms of marijuana, isang pirasong PHP1,000 bill, boodle money, ibat ibang IDs, at marijuana tube.

Mahaharap sa kasongn paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek at dadalihin ito sa DEG headquarters sa Camp Crame .