June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

4 katao tiklo sa P1.3-M shabu sa Bataan

ARESTADO ang apat na suspek habang nasamsam ang humigit-kumulang na P1.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang  operasyon  ng anti-narcotics team sa Bgy. Mabatang, Abucay, Bataan noong Biyernes.

Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinlala ng pulisya ng Abucay ang mga suspek bilang sina Noel Canare o kilala bilang “Oxy,” 58, ng Santiago St., Atlan III, Bgy. Mabatang, Abucay, Bataan; Raymond Macaspac, 35, ng Purok 5, Bgy. Sta. Isabel, Dinalupihan, Bataan; Angelita Garcia, 32, ng Purok 5, Brgy. Sta. Isabel, Dinalupihan, Bataan; at Derick Rico, 26, ng Canare St., Bo. Isa, Bgy. Mabatang, Abucay, Bataan.

Ang suspek na si Alain Kapampangan, ng Bgy. Omboy, Abucay, ay nakatakas nang arestuhin ng mga otoridad ang kasamahan nito.

Kumpiskado sa apat na suspek ang pitong plastik na sachet  ng shabu na nagkakahalaga ng P1,376,320, marked money , ilang paraphernalia, isang digital na timbangan, at P8,000  cash.

Sasampahan ng kaukulang kaso  ang mga suspek sa Bataan Provincial Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa kasong RA 9165.