
APAT na miyembro ng isang pamilya ang namatay sa sunog na tumupok sa kanilang bahay kaninang madaling araw (March 13, 2025) sa Bgy. Longos, Malabon City.
Kabilang sa mga nasawi ay isang babae, ang kanyang 9 na taong gulang na anak na babae, at dalawang kapatid. Isa sa mga biktima ay isang taong may kapansanan.
Ang apat ay nakulong sa kanilang nasusunog na bahay.
Sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog dakong alas-3:45 ng madaling araw at umabot sa unang alarma dakong alas-3:52 ng madaling araw.
Agad na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay na gawa sa light materials.
Nagdeklara ng fire out ang mga rumespondeng bumbero dakong 6:52 a.m.
Nasa 41 katao o 11 pamilya na naapektuhan ng sunog ang pansamantalang nakasilong sa barangay hall.
Patuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.