4 na nawawalang mangingisda, nasagip sa Pangasinan

NAILIGTAS ng isang cargo vessel ang apat na mangingisda na  ilang araw nang nawawala sa  Pangasinan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) namataang palutang-lutang sa dagat ang mga mangingisda kaya naman ng makita sila ng crew ng   M/V Deryoung Space  .

Saktong napadaan ang M/V Deryoung Space  na galing Agno , Pangasinan ay agad silang tinulungan.

Ang mga mangingisda ay  napaulat na noon pang Biyernes nawawala.

Lumubog aniya ang kanilang sinasakyan dahil sa sama ng panahon.

Nagpasalamat naman ang PCG commandant Admiral Ronnie Gavan sa mga opisyales at crew members ng M/V Deryoung Space sa pagsagip sa mga nawawalang mangingisda.