May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

4 na OTS employees hinatulan ng guilty sa ‘$300 lunok issue’

Ni Alex dela Cruz

GUILTY ang naging resulta ng imbestigasyon sa apat na empleyado ng Office of Transportation Security o OTS sa NAIA.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na hindi chocolate ang isinubo ng empleydaong si Irency Morados.

Kitang-kita sa CCTV camera ang halagang $300 na kanyang isinubo sa bibig na ninakaw umano sa isang pasaherong Chinese.

Kabilang sa kakasuhan rin ang tatlong tauhan ng OTS na kanyang kasabwat.

Kaya naman pinoproseso na ang pagpapatalsik sa kanila maging ang mga kasong isasampa laban sa kanilang apat.