
NADAKIP kaagad nitong Huwebes ang apat na katao na umano’y nanunog ng isang modern jeep sa Catanauan, Quezon noong Miyerkules.
Kabilang sa naaresto sina alias Ernesto, sinasabing sales manager sa Bacoor, Cavite; si alias Noel at isang nagngangalang Dominic, parehong civil engineers; at si alias Jade, isang film director, ba kinilala ng driver, konduktor, at isang pasahero ng modernong jeep bilang mga salarin.
Ang mga suspek ay nahuli batay sa isang impormasyon na natanggap ng pulisya. Nahuli sila sa isang resort sa Barangay Butanyong sa Mulanay town, ayon kay Area Police Command Southern Luzon director Lt. Gen. Rhoderick Armamento.
Sa imbestigasyon nakita ang mga suspek ay tumakas gamit ang isang pula na Mitsubishi Mirage matapos sinunog ang modernong jeep sa Barangay Dahican.
Hindi pa tiyak ang motibo ng atake ayon sa mga imbestigador.