NALANSAG ang isang drug den ng salakayin ng mga awtoridad habang apat na suspek ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Manalite, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal.
Sa pinagsamang operatiba ng PDEA Rizal Provincial Office at PNP RIU-4A PIT Hulyo 12, 2025 sa ganap na 5:40 ng hapon sinalakay ng mga operatiba ang drug den kung saan naaresto ang mga suspek na sina alias Dekdek, drug den maintainer, 44; alias Ferdinand, 37; alias John, 28; at alias Adrian, 23. pawang mga residente ng Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal.
Nasamsam ang humigit kumulang na limang gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang Php34,400.00, buy-bust money at ibat ibang klase ng drug paraphernalia.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.
