
NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol nitong Lunes ng gabi sa katubigan ng Lubang, Occidental Mindoro, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang tectonicna lindol ay tumama sa 23 kilometro hilagang-silangan ng Lubang alas-6:42 ng gabi. Lunes.
Inulat ng Phivolcs ang magnitude 5.4 na lindol na tumama sa karagatan ng Calatagan sa Batangas na may lalim na 116 kilometro.
Naitala ang Intensity 4 sa Lubang, Occidental Mindoro
Habang Intensity 3 sa Quezon City, Makati City, Taguig City, Obando sa Bulacan, Hermosa, Bataan; Cainta, Rizal; at Lungsod ng Cabuyao sa Laguna.
Nagimbal naman ng intensity 2 ang Puerto Galera, Oriental Mindoro; Cuenca at Talisay sa Batangas; at Tagaytay City at Bacoor sa Cavite habang intensity 1 sa Muntinlupa City.
Walang namang naiulat na pinsala o nasaktan at pinsalang ari-arian matapos ang pagyanig.