February 23, 2024

5 Barangay sa Quezon province , drug-free na

Ni Alex dela Cruz

Camp Nakar ,Lucena City,Quezon- LIMANG barangay na ang ideneklarang drug -free ng Quezon police Provincial office (QPPO) at ng Philippine  Drug enforcement Agency (PDEA) sa lalawigang ito.

Ayon kay Quezon police director Col.Ledon Monte,  mahigpit na  validation ang kanilang ginawa upang masiguro na wala ng nagaganap na transaction ng droga sa lugar .

Kaya naman ginawarang ng sertipiko ng pagkilala ang mga barangay chairperson  na sina Lea Amorada ng Barangay Mamala 2 ,Sariaya; Rommel Barrot ng Barangay Tongko ng Tayabas; Roderick Macinas ng Barangay Dalahican;Jorge Glorioso ng Barangay  Santa Catalina ,ng Pagbilao at Edgardo  Austan ng Barangay 2 ng Lucban.

Sinabi pa ni Monte na marami pang barangay ang ine-evaluate bago ito tuluyang ideklarang drug-free.