
Photo by Laguna PPO
HULI ang isang call center agent na may limang bloke na tuyong dahoon ng marijuana sa ginawang buy-bust operation ng mga awtoridad nitong Martes sa San Pablo City.
Arestado ang suspek na si Donn Anthony Amante Delgado ,26 anyos na residente ng Brgy.San Lucas 2 ng bayang ito.
Nahuli ang suspek bandang alas 10:07 ng gabi makaraang makipag-transaksyon ang mga awtoridad na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang halagang 2,000 pesos.
Kumpiskado ang limang bloke na illegal na droga at mga buto na nakabalot sa plastic na tinatayang may halagang 482,000 pesos, digital weighing scale at 1,000 drug money.(Cyrill Quilo)
Nakapiit na sa San Pablo CPS ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang dadalhin naman sa Crime Laboratory Office ang mga ebidensyang nakuha sa suspek.