May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

5 rescuer patay sa flashflood sa Bulacan

Ni Alex dela Cruz

LIMA ang nasawing rescuer Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa lalawigan ng Bulacan matapos tangayin ng flashflood habang nagsasagawa ng rescue operation sa lugar kahapon , Linggo .

Nabatid na ang mga biktima ay sina Narciso Calayag, Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin na pawang miyembro ng Bulacan PDRRMO rescue team.

Base sa ulat , patungo sana ang lima upang magsagawa ng rescue sa kanilang kababayan nang masira ang kanilang trak at gumamit na lamang ng bangka patungo sa Barangay Camias.

Bigla na lamang itong bumangga sa pader at saka tinangay ng rumaragasang tubig patungo sa kanilang lugar.