
LIMANG katao ang sugatan ang lulan ng isang jeepney ng mga bakasyunista ang naaksidente sa Ternate Cavite kahapon.
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktimang na sina Rahleen Casil,Ronan Casil,Riza Chacon, Carl Diaz at ang drayber na si Efren Suarez na pawang residente ng Las Pinas City na kasalukuyang ginagamot na sa pinakamalapit na pagamutan.
Sa inisyal na ulat, patungong Marogondon ang dyip nang magkaroon ng aberya ang makina nito sa lugar Ternate-Nasugbu Road sa Barangay Sapang 1, ayon kay Maj.Xelacor Marie Garcia , officer-in-charge ng Ternate Police.
Sabi pa ni Garcia, ang dyip ay pababa na sa mataas na bahagi ng burol nang mawalan ng kontrol ang drayber sa makina at gulong nito kaya nagpagulong-gulong ito na naging sanhi ng pagkakasugat sa limang pasahero.