LIMANG wanted persons ang 5naaresto sa ikinasang Oplan Saliksik at Manhunt operations sa magdamag na operasyon ng Rizal PNP sa lalalwigang ito.
Sa Bayan ng Taytay, isang alyas Noby ang dinakip na may kasong theft habang sa lungsod ng Antipolo naman ay inaresto si alyas Jo dahil sa kasong simple slander.
Isang Alyas Jaspher naman ng Binangonan ang napasakamay ng batas dahil sa kasong pagnanakaw. habang 2 lalake ang naaresto ng Rodriguez PNP na kinilalang si Alyas Vern at Mok na may kasong Qualified Theft at Unjust Vexation.
Ang mga naaresto ay kabilang sa tinatawag na Other Wanted Persons ng lalawigan ng Rizal.
Ang mga akusado ay binasahan ng kanilang karapatan at kasalukuyan nasa Custodial Facility ng himpilan ng pulisya na nakadakip sa kanila.
