May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

5-year old na bata nalunod sa swimming pool

Ni Len Dance;

ISANG 5-taong gulang na batang lalaki ang nalunod sa swimming pool ng isang resort sa La Paz, Tarlac nitong Lunes.

Iniulat ng pulisya ng Tarlac kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. na ang biktima ay si Jofer Lumibao, isang residente ng Bgy. Asturias, Tarlac City, Tarlac.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkayayaan mag-swimming ang buong pamilya ng biktima sa Casa Carmelita Resort na matatagpuan sa Purok 6, Bgy. Motrico, La Paz, Tarlac .

Ang bata ay huli nakitang nakaupo sa hagdan ng isang pool habang ang kanyang mga kamag-anak ay nagsiswimming.

Matapos ang ilang minuto, nawala ang biktima at natagpuang walang malay sa ilalim ng tubig ng swimming pool.

Sinubukan ng mga kamag-anak na magbigay ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) hanggang sa isinugod ang biktima sa La Paz Medicare at Community Hospital, ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.