June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

500-M aid , ibinahagi sa Serbisyo fair sa Zambales

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbubukas ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) Sabado ng umaga sa Botolan People’s Plaza, sa Botolan, Zambalez. Kasama rin sa paglulunsad sina Botolan Mayor Jun Omar Ebdane, Gobernador Hermogenes Ebdane Jr., Zambalez 2nd District Rep. Doris Maniquiz, iba pang Kagawad at matataas na opisyal ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan.