NATAGPUANG patay ang isang 51-anyos na American national sa kanyang hotel room sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Angeles City police acting director Col. Joselito Villarosa Jr natukoy ang biktimang pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Narciso St., Bgy. Malabanias, Angeles City.
Sinabi ng Pinay na live-in partner ng dayuhan sa pulisya na pagbalik niya sa hotel room pagkatapos ng trabaho, natagpuan niya ang biktima na wala nang buhay sa kama, kaya agag siyang humingi ng tulong sa front desk ng hotel,upang ipaalam sa Angeles City police.
Ayon sa Pinay partner ng biktima, ang Amerikano ay nagrereklamo ng pananakit sa kanyang dibdib, braso at binti ngunit patuloy na tumatangging pumunta sa ospital para sa isang medical check-up.
May nakitang gamot para sa gout arthritis malapit sa katawan ng biktima.
Sinabi ng mga awtoridad na walang palatandaan ng foul play o anumang karahasan sa biktima.
