UMABOT na sa 24 ang kumpirmadong kaso ng sakit habang 31 naman ang clinical o suspected cases Batay sa tala ng Laguna Provincial Health Office mula Enero 1 hanggang Abril 6, 2024.
Pinakamarami ang naitalang kaso sa Santa Rosa City at Calamba City. Nitong linggo lamang, idineklara na sa Santa Rosa ang state of calamity upang mas mapabilis ang pagresponde sa Pertussis at ang pagbili ng bakuna laban sa sakit.
Ilan sa sintomas ng pertussis ay sipon, lagnat, at malalang ubo sa loob ng 1-2 linggo. Matinis at ipit ang tunog ng whooping cough na maaaring magdulot rin ng pagsusuka pagkatapos umubo.
Kung makaranas ng sintomas ng sakit, ugaliin ang pagsusuot ng face mask, agad magpakonsulta sa doktor, at pabakunahan ang mga sanggol at bata na tinuturing na vulnerable sa sakit. | via PHO Laguna – Public Health Services.PIA
